Pagkatapos ng matagumpay na launch ng BRGY S2S sa Tandang Sora, Quezon City noong nakaraang buwan, susugod naman sa probinsya ng Cebu ang Surf2Sawa at Converge para maghatid ng walang-sawang saya, palaro at papremyo sa mga Cebuano. Kaakibat nito ang paglunsad ng mas pinabilis na prepaid fiber internet sa naturang probinsya.
Ayon sa reports ang kabuuan ng Central Visayas ang naging fastest-growing economy sa buong bansa sa nakalipas na taon—simbolo ng patuloy na pag-unlad ng rehiyon. Kaya naman ikinagagalak ng Surf2Sawa na dumayo sa Cebu para pasayahin ang mga tao at ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan sa bawat komunidad.
Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tahanang Pilipino na maging konektado sa internet na may bilis na ngayon ay umaabot hanggang 50 Mbps (mula sa 25 Mbps) at nagkakahalaga lamang ng P4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices ang pwede kumonekta). At dahil prepaid ang Surf2Sawa, makakapili ang customers ng top-up options na angkop sa kanilang pangangailangan: mula P50 load para sa 1-day service hanggang P700 para sa 30-day unlimited connectivity.
Ang Surf2Sawa ay hindi lang basta prepaid internet service, ito ay isang initiative ng Converge para makamit ng lahat ang mas maginhawang buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa bawat tahanan ng mura, unlimited, at walang kontrata na internet, mas gagaan para sa maraming mamamayan ang pag-aaral o paghahanapbuhay dahil meron na silang maaasahan na prepaid fiber plan.
Naniniwala si Converge Head of Consumer Marketing Ms. Sandra Zira Tubale-Dingal na ang internet ay hindi na lamang isang luxury kundi isang basic need ng bawat Pilipino tulad ng tirahan, tubig, kuryente, at pagkain. “Misyon ng Surf2Sawa at BRGY S2S ang magdala ng pinaka-sulit sa budget at walang-sawa na high-speed internet sa bawat barangay sa Pilipinas, para lahat ay maging konektado sa digital world, lalo na para sa trabaho at school,” dagdag pa nito.
Ayon din kay Mr. Dhing Pascual, Vice President and Business Unit Head sa Converge ICT, ang main objective ng Brgy S2S ay makatulong sa mga kababayang walang access sa internet at namamahalan sa karaniwang offer ng internet plans. Dagdag pa nya, “What’s important is for us to provide these services sa mga kababayan nating nangangailangan ng internet. Sa pamamagitan ng Surf2Sawa, maa-address natin iyon lahat. Nais namin na malaman ng lahat na ang S2S ang abot-kaya na internet ng bayan na laging ready ‘pag kailangan.”
Maliban sa unlimited internet, walang-sawa din ang saya, laro, at papremyo na dadalhin ng BRGY S2S kasama si Melai Cantiveros, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen. Meron din exciting activities tulad ng Zumba2Sawa at banda mosiko, libreng food carts at pampering service tulad ng gupit at masahe. Hindi din mawawala ang pinakaaabangan na Dance2Sawa competition, special dance numbers, at ang Sugod Barangay segment kung saan tatlong pamilya ang makakatanggap ng isang taon na libreng internet at iba pang mga papremyo galing sa Surf2Sawa.
Bukod sa mala-fiesta na selebrasyon, lahat ng residenteng mag-susubscribe sa Surf2Sawa sa araw ng event ay hindi lamang makakatanggap ng 50% discount sa installation fee, makakabitan din sila ng linya sa mismong araw na ‘yon courtesy ng Instant Connect promo ng BRGY S2S.
Kaya naman wag nang palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng makulay na pagsisimula ng Surf2Sawa sa daratinhg na Sabado, Setyembre 21, 2024 sa Talisay City Plaza, Barangay Poblacion, Talisay City, Cebu mula 7 AM hanggang 6PM. Ang libreng event na ito ay magiging puno ng walang-sawang kasiyahan at serbisyo na syang ambag ng Converge ICT para sa ikatatagumpay ng isang konektadong bansa sa isang digital world.
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: www.facebook.com/Surf2Sawa