News

Marikina Bikers Up 157%; LGU Vows Stronger Support for Biking Culture

More Marikeños are turning to bicycles for mobility, with the number of cyclists recorded in Marikina City surging by 157 percent to 29,245 this year from 11,363 in 2025, according to the Bike Count conducted by the Marikina City Bikeways Office.

The Bike Count, which aims to measure cycling activity and gather data to help improve the city’s active mobility network, recorded an increase of 17,882 cyclists in just one year.

In a broader seven-day monitoring period, the Marikina City Bikeways Office recorded 67,428 cyclists, reflecting the city government’s continued efforts to promote safer and more accessible transportation.

“Ang mga numerong ito ay positibong indikasyon na nagbubunga ang ating mga pagkilos at mga programa na nagsusulong ng mas ligtas at mayors na pagbibisikleta,” Mayor Maan Teodoro said.

“Asahan na ng mga Marikeño na lalo pa nating pagtitibayin ang mga programa at pasilidad para sa mas ligtas at maayos na pagbibisikleta sa ating lungsod,” she added.

Under Teodoro’s watch, the Marikina Bikeways Office regularly cleans and maintains bike lanes, removing leaves, moss, and other obstructions to help keep cycling routes safe and comfortable.

The local government is also constructing the Marikina Active Transport Park in Barangay Marikina Heights, which will feature dedicated spaces for bicycles and BMX bikes, skateboards, roller skates, rollerblades, and non-motorized scooters.

The facility will also serve as an end-of-trip facility for bikers, with restrooms and designated areas for stalls, as well as spaces for various activities.

The local government is also installing bike racks in schools to provide organized and accessible parking for students who ride bicycles to school.

Bilang ng mga nagbibisikleta sa Marikina, tumaas ng 157%; LGU, palalakasin pa ang suporta

Mas marami nang Marikeño ang gumagamit ng bisikleta para sa kanilang pagbiyahe, matapos tumaas ng 157 porsyento ang bilang ng mga siklistang naitala sa Marikina City sa 29,245 ngayong taon mula sa 11,363 noong 2025, ayon sa Bike Count na isinagawa ng Marikina City Bikeways Office.

Layunin ng Bike Count na masukat ang aktibidad ng pagbibisikleta at makalikom ng datos na magsisilbing gabay sa pagpapahusay ng active mobility network ng lungsod. Naitala nito ang dagdag na 17,882 nagbibisikleta sa loob lamang ng isang taon.

Sa mas malawak na pitong araw na monitoring period, nakapagtala naman ang Marikina City Bikeways Office ng 67,428 nagbibisikleta, na resulta ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na isulong ang mas ligtas at mas accessible na transportasyon.

“Ang mga numerong ito ay positibong indikasyon na nagbubunga ang ating mga pagkilos at mga programa na nagsusulong ng mas ligtas at mayors na pagbibisikleta,” wika ni Mayor Maan Teodoro.

“Asahan na ng mga Marikeño na lalo pa nating pagtitibayin ang mga programa at pasilidad para sa mas ligtas at maayos na pagbibisikleta sa ating lungsod,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng pamumuno ni Teodoro, regular na nililinis at pinananatili ng Marikina Bikeways Office ang mga bike lane, kabilang ang pag-aalis ng mga dahon, lumot, at iba pang sagabal upang mapanatiling ligtas at maayos ang mga ruta ng mga nagbibisikleta.

Nagtatayo rin ang lokal na pamahalaan ng Marikina Active Transport Park sa Barangay Marikina Heights, na magkakaroon ng mga nakalaang espasyo para sa mga bisikleta at BMX, skateboard, roller skate, rollerblade, at non-motorized scooter.

Magsisilbi rin ang pasilidad bilang end-of-trip facility para sa mga nagbibisikleta, na magkakaroon ng mga palikuran, mga nakalaang lugar para sa mga stall, at mga espasyo para sa iba’t ibang aktibidad.

Naglalagay din ang lokal na pamahalaan ng mga bike rack sa mga paaralan upang magkaroon ng organisado at madaling mapuntahang paradahan ang mga estudyanteng nagbibisikleta papasok sa paaralan.

About the Author

Introvert, wanderer, blogger, foodie, a hip-hop music writer, and one of the co-founders of a tech start-up company called GigsManila.