in

Camiguin Island, may BDO Network Bank branch na!

Masayang sinalubong ang pagbubukas ng kauna-unahang BDO Network Bank (BDONB) branch sa Mambajao, Camiguin Island, Biyernes, October 21. 

Good news ito para sa mga Camiguinon dahil magiging madali na para sa kanila ang pagkuha ng mga produkto at serbisyo ng BDONB na makatutulong sa kanilang pag-asenso o sa pagsulong ng kanilang negosyo. 

Ayon kay Mambajao Mayor Yñigo Jesus D. Romualdo, malaking tulong ang pagkakaroon ng BDONB sa kanilang bayan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lokal na ekonomiya. Sinabi naman ni Camiguin Gov. Xavier Jesus D. Romualdo na magiging daan para mas mailapit pa sa pagbabangko ang kanyang mga kababayan kung magbubukas pa ng BDONB branches sa ibang municipalities ng Camiguin. 

Ang BDONB branch sa Mambajao ay isa sa 55 branches na bubuksan ng BDONB sa buong bansa bago matapos ang 2022. Layunin nito na maaabot at mabigyan ang mga magsasaka, mangingisda at MSMEs ng oportunidad na mapaunlad ang kanilang buhay at negosyo.  

What do you think?

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

GIPHY App Key not set. Please check settings

    Loading…

    0

    Yondu commits to more innovations and partnerships to support PH businesses

    Gen Zs! Level Up Your TikTok Game and Join the vivo Y Series Clique Squad