• Home
  • Lifestyle
  • Tech
  • Travel
  • Review
  • About
  • Contact
What's Hot

BrandComm Asia appoints Zot Brillo as Managing Partner

November 30, 2023

Lenovo unveils Legion Go in the Philippines to revolutionize the gaming world

November 30, 2023

Simu Liu Debut EP Anxious-Avoidant Out Now!

November 30, 2023
Facebook X (Twitter) Instagram
Facebook X (Twitter) Instagram
Manila RepublicManila Republic
  • Home
  • Lifestyle
  • Tech
  • Travel
  • Review
  • About
  • Contact
Manila RepublicManila Republic
Home»News»Scam, spam SMS na naharang ng Globe umabot sa 270.45-M noong Setyembre
News

Scam, spam SMS na naharang ng Globe umabot sa 270.45-M noong Setyembre

Team Manila RepublicBy Team Manila RepublicNovember 11, 2022No Comments2 Mins Read
Share
Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

Umabot sa 270.45 milyon na mga scam at spam SMS ang naharang ng Globe noong Setyembre. Ito na ang pinakamataas na buwanang bilang na naitala ng kumpanya mula ng simulan nito ang pag-block ng mga mensaheng natatanggap ng mga kustomer mula sa mga di kilalang numero, kabilang ang mga SMS na may clickable links.

Tuloy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng nahaharang na spam at scam messages ng Globe, mula. 68.34 milyon noong Enero hanggang sa umakyat ng 295.74% nitong Setyembre. Ang kabuuang bilang na 1.3 bilyon sa unang siyam na buwan ng taon ay nahigitan na ang 1.15 bilyon kumpara sa buong 12 buwan ng 2021.

Para sa seguridad ng mga kustomer, hinaharang na rin ng Globe ang lahat ng person-to-person SMS na may clickable links mula sa kahit anong network. Dahil dito mas nahihirapan ang mga manloloko na gumawa ng mga mensahe na makakaakit sa mga tao na pumunta sa mga mapanlinlang na website.

“Ipinapakita ng aming data na naharang namin ang record number ng spam at scam messages sa pamamagitan ng mga pinaigting na hakbang, kabilang ang pagharang sa lahat ng person-to-person SMS na may clickable links,” pahayag ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.

Kasama na rin sa kabuuang numero mula Enero hanggang Setyembre and 49.3 milyon na scam at spam messages na may kinalaman sa mga bangko at iba pang financial institutions. Patuloy ang data sharing ng Globe sa mga institusyon na ito upang mapigilan ang financial fraud.

Nakapaglabas na ng P1.1 bilyon ang Globe para palakasin ang kakayahan nito na ma-detect at matigil ang mga scam at spam messages.

Mayroon ding 24/7 Security Operations Center ang kumpanya kung saan 100 empleyado ang nagtutulungan na mapigil ang paglaganap ng mga malisyosong mensahe.

Dagdag pa dito, patuloy na tinuturuan ng Globe ang mga kustomer na maging proactive sa pag iwas sa mga panloloko sa internet. Nagbibigay ito ng libreng e-modules at nagsasagawa ng mga workshop sa ilalim ng Digital Thumbprint Program para mahimok ang mga estudyante, magulang, at mga guro na maging responsableng digital citizen.

Hinihikayat din ng Globe ang mga kustomer na may Android device na maglagay ng mga spam filters sa tulong ng instructional video na inilabas sa Facebook. Maaari ding i-report ang mga spam at scam messages sa #StopSpam website.

Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Telegram Email
Previous ArticleFilipino alt soul/rock outfit of Mercury welcomes edginess with youthful exuberance on full-length debut album, CHANGIN’
Next Article RAFI and ICTSI Foundation expand One to Tree program to Luzon, support more than 50 farmers
Team Manila Republic

Related Posts

Digital enablement push: Globe boosts 5G network coverage with 716 new sites

November 30, 2023

Jollibee Group Wins Multiple Citations at the 13th Institutional Investor Corporate Awards

November 30, 2023

Schneider Electric Sustainability Report underscores the importance of corporate sustainability in the Philippines

November 28, 2023
Add A Comment

Leave A Reply Cancel Reply

Advertisement
Top Posts

Wears his heart on his sleeve on genre-melding alt-pop cut ‘The View’

November 10, 2023

Switch on your vacation mode with these essential travel tips for the long weekend from RCBC

April 1, 2023

The Ultimate Guide to the Best Dining Deals in the Metro: Save Up to 50% with BDO Credit and Debit Cards

June 14, 2023

Create Your Own P75 Sulit-Sarap Combo with Jollibee’s Mix & Match Combos

April 18, 2023

Eight of Asia’s Best Hotel Restaurants That Are Worth Travelling For

November 16, 2023
Advertisement
© 2023 Manila Republic.
  • Home
  • Lifestyle
  • Tech
  • Travel
  • Review
  • About
  • Contact

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.